#DJPMOSTWANTEDCONCERT

by https://twitter.com/rizzapizzafries

April 15, 2015, sumali ako sa isang essay writing contest sa twitter, bakit? Kasi yung prize nung game VIP ticket sa concert ni Daniel Padilla. Nung araw na yun sobrang desperada na siguro ako kung tawagin para sumali pa sa game na yun, pano ba naman Daniel Padilla yun, nagiisang crush ko yun at never akong nakapunta sa last two sold-out concert nya noon. Kaya naman ginrab ko na yung opportunity-ing sumali sa lahat ng contest na nagpapagame ng concert ticket, ilan din yun na nasalihan ko, madami hahhaha desperate move! Pero nung April 26, 2015 unexpected na pangyayari ang nangyari na nga sa akin.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagexpect sa lahat ng contest na sinalihan ko. Sabi ko nga kahit isa lang dun kahit General Admission lang basta makapunta lang ako sa concert okay na ko! Pero nung last april 26, isang tweet ang natanggap ko mula kay tententenen @Basaynon26 na  nagsasabing nanalo ako ng isang VIP ticket para sa concert ni Daniel Padilla. Nung araw na yun di ko alam kung paano magthank you Kay Lord, sobra-sobrang blessing naman kasi, parang kalahati ng pagfafangirl life ko binigay Nya na through ate Annie’s life. Nung araw na din yun di ko alam pero kulang pa ata ang word na happiness sa nararamdaman ko, agad ko tong sinabi kay lola at sa mga pinsan ko, pati sa IG at FB naishare ko pa dahil sa sobrang kasiyahan ko. Sobra-sobrang saya ko kasi kung sa tutuusin nung nabasa ko yung iba, may mas maganda naman kesa sa ginawa ko, yun parang mas pinaghandaan pa samantalang ang akin di naman ganun kaganda. Nakakatawang isipin kasi ako nga wala akong tiwala sa nagawa kong essay, pero eto ka ate Annie, buo ang tiwalang binigay sa essay ko maging sa akin. Kahit papaano may mararating din naman pala ako sa pagsulat ng essay hahahaa.

June 06, 2015, eto na ata ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko, ang pagdating ng isang VIP concert ticket sa bahay. Nung nahawakan ko na yung ticket sobrang saya ko at naniniwala na talaga akong nanalo nga ako. Nung araw na yun sobrang taas ng lagnat ko muntik pa ngang maging reason yun para pigilan akong pumunta sa concert, pero thank you sa ticket dahil nung nakita nila tita parang sige at oo nalang nila ang narinig ko. Mga ilang oras kong hinawakan yung ticket bago itabi, ewan ko pero dahil nga ata sa ticket kaya nawala yung lagnat ko, sumigla ang katawan ko at nakagawa pa ko ng 2ng assignment ko. Pero di parin talaga nawala ang sakit ko, ilang araw nalang concert na ni Daniel pero eto ako nilalagnat parin! Binigyan na nga nila tita ng araw ang lagnat ko na kapag thursday di pa ko gumaling no concert para sakin, e dahil nga isang dakilang fan ang meron sa katawan ko wednesday palang gumaling na ko kaya yes to concert na talaga ang peg ko!.

June 13, 2015 the most awaited most wanted concert ay ngayong araw na! Maaga akong nagising haha kasi may pasok lol, pero maaga talaga akong nagising, ganto talaga ako kapag naeexcite!. After school umuwi ako ng bahay nagpahinga at nagayos syempre magkikita kami ni Daniel, malakas talaga feeling kong ikakasal lang naman ang fangirl heart ko sa idol ko kaya dapat paghandaan. Nung araw nayun hindi ako pinagsuot ng brace ni tita para maenjoy ko daw ang concert, well naenjoy ko naman talaga, with or without basta Daniel Padilla mageenjoy talaga ako. By 4 pm nasa Moa Arena na ako, hindi ako pumila, pumasok lang ako naks, ganto pala feeling kapag VIP ang ticket mo hahaha lakas maka Artista haha! Nung nandun na ko sa loob, aba wala pang masyadong tao kaya fineel ko munang naupo sa gitna mejo harap, aba syempre hahaha! May mga maagang celebrities ang nandun na kaya ako picture picture naman hahaha. Wala akong katabi, wala akong kausap at eto na nga nilabas ko na ang lakas ko para hanapin si Dimple (VIP winner) at nung nakita ko sya chika chika lang kami. Sobra ko ding ipinagpapasalamat sa chance na to na makapunta sa concert dahil nakita ko na ang internet ate ako hahaha!

5,4,3,2,1 at nagumpisa na nga ang concert at syempre nagumpisa narin akong umiyak, normal na po sa akin ang pagiyak kapag may something na bago sa pagfafangirl ko. Sa 3 songs nya ata wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang wala akong pake kung may camerang tumapat sa muka ko dahil masaya ako, masaya ako kasi nandun ako, isa ako dun sa libo-libong taong nanunuod para kay Daniel. Tapos nung kumanta pa si KZ Tandingan ng Till I Met you mas lalo pa kong naiyak, basta masaya talaga ako. Masaya ako kasi isa ako sa mga tao dun na nakikita ang talent ni Daniel, yung makita syang magimprove at marinig ang music nya! Masaya ako sobra! Tapos nung medyo paending na (di pa talaga yun paending) pinagkaguluhan si Daniel sa stage, dahil isa akong tard gusto ko din sanang umakyat sa stage mayakap man lang si Daniel, pero good thing narin sigurong pinagalitan ako nung bouncer hahaha kasi napaupo ako dun sa upuan ni Maam Charo haha! Pero kidding aside, gustong-gusto ko talaga sanang makalapit kay Daniel noon, mayakap man lang sya at personal na makapagpasalamat sa kanya sa pagiging gamot ko at sa pagpapasaya sa akin sa araw-araw, gusto kong malaman nyang super blessed ako sa buhay nya at blessing talaga sya, pero di pa ata talaga yun ang time na masabi ko yun sa kanya. Pero super saya ko kahit di masyadong nagawa ni Daniel yung gusto nyang mangyari sa ending. Pagkatapos ng concert nameet ko din po si ate ar-chelle bait. Eto na ata ang isa sa mga gabing hindi ko makakalimutan at lagi kong bibitbitin ang kwetong to sa buhay ko habambuhay. Sobra-sobra din akong thankful sayo ate Annie, sobra-sobra. Binigay mo isa sa mga pangarap ko, ginawa mong posible yung bagay na para sa akin ay imposoble. Thank you kasi isa ka sa mga taong binubuo ang fangirl life ko. Sobrang blessed ko at nakilala kita. Masaya po ako sobra-sobra

Muli ako si Rizza Joy L. Romero isang babaeng nagsasabing boyfriend ko si Daniel, may pusong fangirl, minsang nangarap na makapuntang concert, na eto ikinwento ang gabing hindi ko makakalimutan sayo! Salamat sa pagiging parte ng masaya at makulay na fangirl life ko! Salamat sa buhay mong nagbigay pagasa sa buhay ko. Salamat ate Annie, lagi kang nasa prayers ko. Mahal kita sa Panginoon, I love you with the love of the Lord. God bless you!.


You’re welcome, boyfriend-ko-si-Daniel. ☺️