by Aira Mae Manalang

Ngayong nalalapit na ang concert ng pinakamamahal nating Daniel Padilla, siyempre dagsahan na ang mga fans. May mauubusan, may makakabili, at meron ding team bahay. Mga dakilang team bahay. Wag niyo silang mamaliitin dahil team bahay sila kasi kahit gano’n may pakinabang sila at hindi sila magpapaawat sa pagsuporta sa kanilang idolo.

Maraming dahilan kung bakit ka magiging team bahay. Una, hindi ka suportado ng magulang mo. Pangalawa, hindi ka rich kid na kayang maglustay ng pera para lang sa concert. Pangatlo, hindi ka papayagan ng magulang mo. Pang-apat, malayo ka. Ilan lamang ‘yan sa mga dahilan kung bakit ka isang team bahay, pero kahit gano’n, pursigido ka pa ring suportahan siya. Mahirap magtiyaga sa live stream, lalo na yung naghahang palagi. Kapag wala kayong cable, hindi mo maaasahan ang pay per view, kadalasan naman, mahal ang bayad. Pero kahit ang daming sagabal, hindi pa rin tayo nagpapatinag. Matibay tayo diba? Solid!

Kahit na may namiss tayong isa sa mga pinakamahalagang event ng buhay ni Daniel, mahal na mahal niya pa rin tayo. Kaya ‘yung mga team bahay diyan para sa Tres, wag kayong malungkot! Marami tayo, hindi ka nag-iisa! Marami pang next time, wag kang mawawalan ng pag-asa. Lahat tayo may kanya kanyang timing, lahat tayo mapagbibigyan. Kaya ‘wag kayong malungkot, ha? Kasi malulungkot din si Daniel.

Love you, guys! 💕

https://twitter.com/kthnlxxvi__