An amateur investigation otherwise known to the KN fandom as “SOCO” was conducted to the short list of finalists. Circumstances demand that the winner MUST truly mean what he/ she wrote in the essay. Other information gathered after the essay was submitted were considered in determining the winner. Below is the winning piece.
Daniel Padilla
So many ways to describe him pero one thing is for sure, sya ang boyfriend ko, legal kami sa
parents ko kaso sya mismong boyfriend ko hindi alam na nageexist pala ang isang tulad ko.
Hi my name is Rizza Romero, dakilang fan ng Teen King at eto ang kwento ko.
Madaming nagtatanong ano nga bang nagustuhan ko sa kanya, tao lang din naman sya pero
bakit baliw ako sa kanya, bakit ganun ko nalang sya ipagtanggol, bakit kailangan kong magsayang
ng oras sa pagboto sa kanya, bakit sya eh hindi nga niya ako kilala, isa lang ang alam kong sagot
MADAMI, sa sobrang daming dahilan di ko na mapigilan.
Ang totoo nyan, naging inspirasyon ko na sa buhay etong Daniel natin, sobra sobrang tulong ang
naibibigay nya sa akin yung tipong naging gamot ko na nga sya sa sakit ko, yung bang picture
palang, boses palang magaling na ko. Sumasaya ako kapag ang usapan sa bahay ay siya, di ko
alam kung gusto lang syang pagkwentuhan ng tatay at mga kapatid ko o talagang gusto nilang
sumaya at panghawakan ko yung sinasabi nilang “magpagaling ka kasi magkikita din kayo, gusto
niya gumaling ka na”. Eto naman kasing si Daniel sa sobrang daming guards hindi ko na
malapitan, sad diba :(. Pero di ako nawalan ng pag-asa sa ngayon okay nalang muna ako sa
pasulyap sulyap sa malayo, sumasaya naman ako eh, yung tipong pawi lahat ng sakit ko.
Pag sinabi kasing Daniel Padilla, parang ang hirap abutin pero alam mong sya na din umaabot
sayo. May something sa kanya na di ko maexplain na talagang minahal ko na at di ko na
ipagpapalit sa kahit na ano. Kaya naniniwala akong balangaraw mararanasan ko din maging
Kathryn Bernardo sa sarili kong istorya kasama ang aking Daniel Padilla, pero sa ngayon Daniel
palang sapat na sobra pa :).
Why do i deserve to win? Simple lang po kasi kahit may sakit ako never akong bumitaw sa
pangarap kong balang araw magmemeet kami. And cant afford po kasi talaga ang concert ticket,
di po ako mayaman at wala pa po akong trabaho, tapos po kasunod ng concert ang check up ko
so walang wala po talaga ako, kaya ngayon nagbabakasali lang po akong mapagbigyan nyo na
maexperience ko din pong makikanta, makisayaw, makitalon, makitawa at makikiligan sa concert
nya, never ko pa po kasing naranasan.
Kung ako naman po ay mapagbibigyan nyo, maipapangako ko pong magiging worth it po ang
gastos nyo at tatanawin ko po itong malaking utang na loob dahil parang binigyan nyo narin po
ako ng gamot ko. Desperada na po ako ngayon at lahat ng makita kong contest para sa ticket
sinalihan ko na legit man o ewan ko, gusto ko po talagang pumunta kaso parang pangarap nalang
po ulit sya ngayon eh, malapit nga po ako sa MOA pero hindi po ako lapitin ng pera. Kahit lower
box, upper at GA lang po pero kung papalarin sa VIP edi mas okay po.
Wala pa man pong nananalo, gusto ko na pong magpasalamat sa pagtulong nyo pong ito, isa po
kayo sa nagbibigay ng pagasa sa mga tulad kong gusto talagang pumunta. Blessing po kayo,
manalo po o hindi gusto ko pong sabihing naging blessing ka po sa buhay ko, lahat po kayo
actually, masaya po ako’t napapasaya kayo ni Dj at napapasaya nyo sya ngayon naman ay gusto
nyong ishare yung saya sa iba. God bless you po, isasama ko na po kayo sa prayers ko lalo na’t
nanjan po kayo sa ibang bansa miss na po kayo ng pinas ;). Maraming salamat po.
@rizzapizzafries
1 Pingback