This essay is so “astig”. I love it. Enjoy reading!


Sino nga ba si Daniel Padilla? Simpleng tao na nagmamahal ng karamihan. Sino yung mga karamihan? Tayo. Tayong mga taga-hanga niya na itinuturing niyang mga kapamilya. Kahit hindi niya lahat tayo kilala, mahal na mahal niya tayo. Hindi basehan ang pagkakakilala sa mahal. Bakit? Kung si God nga hindi pa natin nakikita at hindi lahat tayo kilala, mahal na mahal na mahal niya tayo. Tumutulong siya sa kapwa niya kapag alam niyang kailangan ng tulong. Kahit hindi, tumutulong pa rin siya. Ayan si Daniel, hindi siya makasarili. Hangga’t maaari gusto niyang  magbigay sa kapwa. Ganoon siya kabait. Marahil ang iba ay hinuhusgahan agad siya, pero nagkakamali kayo. Hindi siya pakitang tao lang, na kapag may camera ay nagiging mabait. Hindi siya ganoon. Kahit wala man o meron, tumutulong siya. Hindi niya ginagamit ‘yon para sa kasikatan. Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit namin siya minamahal.

Gwapo, mabait, mapagmahal. Halos na sa kanya na ang lahat. Almost perfect nga, kumbaga. Pero para sa kanya hindi importante ‘yon. Ayaw niyang itinataas siya. Mapagkumbaba siya kahit na sikat na sikat na siya. Sa mga taong hinuhusagahan siya at kami, nagkakamali ulit kayo. Hindi kasi porket mahal namin siya ay perpekto na siya sa paningin namin. Ganoon kasi ang nasa isip nila, na ipinagtatanggol namin siya dahil hindi namin tanggap na may nagagawa siyang mali. Hindi, kasi kahit siya mismo ay aminado na nagkakamali siya. Alam niyo kung bakit? Kasi tao rin siya. Kung ang isa sa mga apostle ay minsang nagkamali pero pinatawad siya ni Hesus, sino pa kaya kayo na hindi kayang magpatawad? Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ko siya patuloy na minamahal. Tanggap niya kung ano at sino siya, siyempre tanggap namin ‘yon.

Mahirap maging fangirl. Lalo na’t kapag malayo ka. Nasa Bataan ako, nasa Maynila siya. Minsan lang tong concert niya pero kahit wala ako doon, patuloy ko siyang sinusuportahan. Mahirap umasa sa live stream or sa pay per view. Sobrang hirap pero kung para sa kanya handa kong tiisin. Sabi nga ni Kiko, kapag mahal mo kaya mong gawin ang lahat. At hindi nasusukat kung gaano na karami ang naputahan mong mall shows, concerts, fans day o kahit ano pa. Ang importante, hindi ka nandyan lang para sa kanya kasi sikat siya o nakikiuso ka lang. Dapat mahalin mo siya ng buong-buo at tanggapin ang imperfections at flaws niya.

Bilib ako sa magulang niya na pinalaki siyang may takot sa Diyos at matulungin sa kapwa. Hindi lang sa kapwa kundi pati sa pamilya niya. Sa murang edad, nagsakripisyo siya at namulat sa responsibilidad. Siya ang naging Padre de Familia at nagsilbing kuya sa mga kapatid niya. Handa siyang gawin lahat mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang mga kapatid. Ayan ba ang sinasabi niyong puro yabang lang? Nagsumikap siya hanggang sa nakapagpatayo sila ng bahay na simple lang. Pero hindi siya tumigil at nagsumikap pa lalo, at ngayon ay mayroon na silang mansion. Ang batang agad namulat sa responsibilidad, iisipin niyo bang ganito na kasikat? Maraming nagmamahal sa kanya dahil sa mabuting pagkatao niya. Hindi namin siya minahal kasi gwapo lang siya. Minahal namin ang lahat ng sa kanya, kung ano siya at sino siya.

Naging fangirl nila ako ni Kath noong 2012, almost 3 years na akong fangirl pero hindi ko pa sila nakikita. Kaya ako sumali dito dahil gusto ko silang makita sa personal. Mahirap. Sobrang hirap. Sobra pa sa sobra pero para sa kanila lahat gagawin ko. Mahal ko eh. Diba hindi nga basehan ang papunta sa mga concerts, mallshows o kung ano pa man. Ang importante nandyan ka lang para sumuporta sa kanila hanggang sa huli.

Hindi naman kasi ako rich kid na isang kibot lang, kayang maglustay ng pera. Kung si Daniel ang nasa posisyon ko, alam kong maiitindihan niya ako. Mas iniisip ko lang kasi kung ano ang pagkakagastusan ng perang pwede kong ipambili ng ticket. Kung para sa mga bayarin at kailangan sa araw-araw, matatanggap ko na kahit hindi ako makapunta. Pero hindi ibig sabihin noon ay ipinagpalit ko na siya. Katulad ni Daniel, mapagmahal din ako sa pamilya. Kaya iniisip ko muna ang kapakanan nila kaysa sa akin. At sa kanya mismo nanggaling na porket hindi nakapunta eh hindi na solid. Solid na to, mas matigas pa sa bato. Kapag may bashers ito ako, tagapagtanggol. Mahal mo eh.

Nahihirapan man ako, kaya kong tiisin at balewalain. Mahal kita at mahal mo rin kami. Okay na ‘yon, kasi alam mo kung bakit? Kasi ikaw ‘yung isa mga dahilan ng pagngiti namin. Salamat kasi patuloy mo kaming pinapasaya. Na kahit pagod ka, basta mapasaya mo lang kami, gagawin mo pa rin. Hay, kaya ka namin minamahal, Daniel Padilla!

by Aira https://twitter.com/aaiiirrraa